Ipinagmalaki ng PNP o Philippine National Police ang pagbaba sa bilang ng kaso ng rape simula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director for Administrator Senior Supt. Ligaya Siohe Sim , nabawasan ng halos 200 ang kanilang natatalang kaso ng panggahasa sa kanilang tanggapan.
Batay aniya sa kanilang datos , nakapagtala sila ng 4,650 rape incidents sa unang anim na buwan ng 2017 samantalang 4, 850 naman sa kaparehong buwan nuong 2016.
Dahil dito , tiwala si Sim na magtutuluy -tuloy ang pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa at patunay aniya ito na nagtatagumpay ang pamahalaan sa kampanya nito kontra illegal na droga.