Posibleng umabot sa 33 billion dollars ang remittance ng mga Overseas Filipino Worker o OFW ngayong taon.
Ayon sa World Bank, nananatiling matatag ang remittances sa Pilipinas sa kabila ng mga political issue sa Middle East at inaasahang lalago ng 5.3 percent ngayong taon kumpara sa 4.5 percent increase noong 2016.
Dahil dito, inaasahan na magiging ikatlo na ang Pilipinas sa mga bansang may tumatanggap ng remittance habang nangunguna ang China na mayroong 62.9 billion dollars at India na may 65.4 billion dollars.
Ang recovery sa remittance flows ay bunsod ng mas matatag na paglago ng ekonomiya ng mga bansang kasapi ng European Union maging ng Russia at Estados Unidos.
Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, nasa 16.1 billion dollars na ang ipinadalang ng mga OFW, noon lamang Hulyo.
(Business Mirror)