Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 43 na bubuo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Ito’y para tutukan ang imbestigasyon sa mga kasong administratibo na isinampa laban sa lahat ng mga Presidential appointees, AFP o Armed Forces of the Philippines gayundin sa PNP o Philippine National Police.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, inaatasan ng Pangulo ang PACC na isailalim sa lifestyle check at fact finding inquiries ang lahat ng Presidential appointees sa loob at labas ng ehekutibo.
Binubuo ng isang chairman at apat na miyembro ang PACC na may kapangyarihan na mag-rekomenda agad sa Pangulo kung papatawan o hindi ng suspensyon ang isang inirereklamo sa sandaling maihain ang kaso.
Mayroon din itong kapangyarihan na kahalintulad ng sa Ombudsman para magsagawa ng motu propio investigation laban sa isang inaakusahan ng korapsyon.
Komisyon na mag-iimbestiga sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, binuo ng Palasyo | via @JJopel pic.twitter.com/hbXd0kZzu1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 5, 2017