Kumpiyansa ang Malakanyang na lalago pa sa mga susunod na buwan ang public investment sa Pilipinas kaya’t makakamit nito ang kanilang target para sa taong kasalukuyan.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, makaraang magsara sa 8,344 points ang high index sa local stock market na maituturing na isang record high sa nasabing larangan.
Ayon kay Abella, patunay lamang ito na hindi apektado ang mga mamumuhunan sa anumang ingay pulitika sa bansa sa halip, nakatutok lamang ang pamahalaan na mai-angat ang ekonomiya ng bansa.
Kasunod nito, sinabi ini Abella na ang naitalang index sa local stock market ay indikasyon din ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ng kaniyang economic managers.