Nakatakdang idawit ng Pamilya Castillo si UST Law Dean Nilo Divina sa mga kasong inihain nila kaugnay sa pagkamatay ng hazing victim at UST law freshman student na si Horacio Atio Castillo III.
Inihayag ito ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ng pamilya Castillo makaraang humirit sila sa DOJ Panel of Prosecutor na makapaghain sila ng supplemental affidavit sa kasong paglabag sa anti-hazing law laban sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Sinegundahan naman ito ng MPD o Manila Police District kung saan, maghahain sila ng ebidensya na nakuha sa library ng Aegis Juris kung saan, duon pinaniniwalaang naganap ang hazing kay Atio.
Dahil dito, binigyan ang kampo ng pamilya Castillo ng hanggang Oktubre 9 o Lunes ng susunod na linggo para maihain ang mga karagdagang reklamo laban sa mga suspek.