Bagama’t sinasabing gahol na sa oras, itutuloy pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang automated elections sa 2016.
Ito’y ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista sa kabila ng bigong bidding para sa refurbishment ng PCOS machines.
Paliwanag ni Bautista, ang pinagpipiliian na lang ay kung gagamitin ang mga luma o mag-aarkila ng mga bagong makina.
Ayon sa COMELEC Chief, pagpapasyahan nila ang naturang bagay, ngayong linggo.
Giit pa ni Bautista, ang kailangan nila ay ang pandagdag sa kasalukuyang 23,000 PCOS machines upang maabot ang target nilang 100,000 piraso.
By Jelbert Perdez