Pinangunahan ni Running Priest Father Robert Reyes ang isang misa na ginanap sa labas ng tanggapan ng Ombudsman.
Ayon kay Father Reyes, inialay ang misa para mapatatag ang paninindigan ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales laban sa korapsyon, sa gitna na rin ng mga pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing misa ay sina dating Social Worker and Development Secretary Dinky Soliman, dating Education Secretary Armin Luistro at Makabayan Bloc Congressman Gary Alejano.
Sa isang panayam, sinabi naman ni Soliman na dapat ilabas na lamang ni Pangulong Duterte ang waiver ng kanyang mga bank accounts para malinawan ang publiko sa umano’y pagkakaroon nito ng bilyon bilyong tagong-yaman.