Pinapabalik sa law school ni Budget Secretary Butch Abad si Atty. Bonifacio Alentajan.
Ito ay matapos maghain ng motion to implede, ni Alentajan sa Sandiganbayan para maisama sa kaso nina Janet Lim-Napoles si Abad.
Ipinaliwanag ni Abad na sa isang kasong kriminal, hindi maaari ang ginawa ni Alentajan, dahil kailangan muna itong dumaan sa Office of the Ombudsman at hindi sa Sandiganbayan.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)