Sinibak na sa serbisyo ng pamunuan ng PNP o Philippine National Police ang dating hepe ng PNP Crime Laboratory Satellite Office sa Muntinlupa na si Superintendent Lito Cabamongan.
Ito ay nag–ugat matapos maaktuhang nag pa-pot session si Cabamongan kasama ang isang Nedy Sabdao sa Talon Kuatro sa Las Piñas noong Marso 30, 2017.
Sa ilalim ng order na nilagdaan ni Police Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, napatunayang ‘Guilty of Conduct Unbecoming of a Police Officer’ si Cabamongan.
Paliwanag ni Dela Rosa, maaari namang maghain ng motion for reconsideration si Cabamongan
Ngunit iginiit ng Chief PNP na hindi na ito makababalik sa serbisyo.