Kabilang ang isang Pilipino sa tatlong ISIS members na naaresto at kinasuhan dahil sa tangkang terrorist attack sa New York sa Amerika noong Mayo 2016.
Ayon sa pahayag ng tanggapan ni Acting US Attorney Joon Kim, kinilala ang Pilipinong si Russell Salic, 35 taong gulang, na una nang naaresto dito sa Pilipinas noong Abril ngayong taon.
Sinasabing kabilang si Salic sa mga nag-plano ng pagpapasabog ng isang sasakyan sa gitna ng Manhattan Square kung saan nagaganap ang isang concert ngunit napigilan ito ng mga awtoridad.
Kasama sa mga ebidensyang tinukoy ay komunikasyon ni Salic sa dalawang suspek na sina Albulrahman El Bahnasawy isang Canadian citizen na hawak na ng mga awtoridad sa Amerika at Talha Haroon na isang US citizen ngunit naaresto sa Pakistan noong Setyembre 2016.
Si Salic umano ay nag-finance sa dalawa para bumili ng mga pampasabog na gagamitin sa pag-atake.
Inaasahan ng mga awtoridad ang mabilis na ma-extradite sina Salic at Haroon upang harapin ang mga kaso nito sa Amerika.