Pinabulaanan ng CPP o Communist Party of the Philippines ang akusasyong nakikipag-alyansa ito sa Liberal Party para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa CPP, ang naging pahayag ng Pangulo ay pagkilos para patahimikin ang mga oposisyon at iba pang grupong bumabatikos sa administrasyon.
Iginiit pa ng rebeldeng grupo na wala silang nabuong ugnayan sa Liberal Party ngunit kinilala nito ang paninindigan ng partido para punahin at tutulan ang mga pag abuso ng pamahalaan.
Tinawag pa ng grupo na desperado ang panibagong pahayag ng Pangulo at minaliit pa ang ginagawa nitong political isolation.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nagtutulong na ang mga dilawan, pulahan at ibang grupo para siya ay pabagsakin.