Daan-daang sundalong Pilipino at Amerikano ang lumahok sa nagpapatuloy na joint military exercises ng Armed Forces of the Philippines at US Armed Forces sa Luzon.
Ito’y bilang bahagi ng KAMANDAG o “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat” na pumalit sa PHIBLEX o Philippine Amphibious Landing Exercise.
Layunin ng joint exercises na mahasa ang kakayahan ng mga sundalo sa military movement sa mga dalampasigan, aircraft maintenance repair, lifesaving training at live-fire demonstration.
Tinututukan naman sa KAMANDAG ang paghasa sa kakayahan ng mga sundalo sa pagtugon sa mga insidente ng terorismo o kalamidad.
Magtatapos ang nabanggit na joint military exercises, sa Miyerkules, Oktubre 11.