Pinasinungalingan ng dalawang alumni association ng University of Santo Tomas o UST ang umano’y pagkakaroon ng cover-up sa imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Catillo III.
Sa isang joint statement, binigyang diin ng UST alumni Association Inc. at ng UST Law Alumni Foundation Inc. na ang UST bilang isang katolikong unibersidad ay kinukundena at ikinasusuklam ang anumang karahasan sa loob o labas ng paaralan.
Iginiit pa ng mga ito na walang ibinibigay na proteksyon sa mga mag-aaral na nasasangkot sa hazing rites na ikinamatay ni atio at sila ay nakiki-isa sa pamilya castillo sa paghingi ng katarungan.
Kasabay nito, hinimok ng dalawang ust alumni associations ang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na lumabas na at makipagtulungan sa imbestigasyon.
LOOK: Joint statement of UST Alumni Association Inc. and UST Law Alumni Foundation Inc. on the death of Horacio Castillo III. pic.twitter.com/e3ETW18ROZ
— The Varsitarian (@varsitarianust) October 7, 2017