Binabayo ngayon ng malakas na bagyo ang Estados Unidos
Ayon sa ulat ng CNN, naglandfall na sa coastal area ng Missisipi ang Hurricane Nate na isang category 1 na bagyo kaninang ala 1:30 ng hapon oras dito sa Pilipinas.
May dala itong hanging aabot sa 130 kilometers per hour o katumbas ng signal number 3 sa Pilipinas.
Inaasahang dadaanan ng mata ng bagyo ang mga estado ng Mississippi, Alabama at Tennessee.
Pinakapinagangambahan ang storm surge na dulot ng bagyo.
Ito na ang ikatlong bagyong tumama sa US sa loob ng anim na linggo kasunod ng hurricane Harvey at hurricane Irma.