Mahigit na sa isang daang libong (100,000) trabaho ang binuksan ng bansang Japan para sa mga dayuhan.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency o POEA mismong nanggaling sa Japan’s Ministry Health and Labor na bibigyan nila ng prayoridad ang mga skilled at semi-skilled na mga manggagawang Pinoy.
Hindi na rin aniya gaanong maghihigpit sa requirements lalo na pagdating sa pagsasalita ng Nihonggo para sa mga sasailalalim sa TIPP o Technical Intern Training Program.
Ayon kay POEA Officer-in-Charge Bernard Olalia sa language proficiency exam kadalasang hindi nakakapasa ang ilan sa mga pinoy kaya nahihirapan maghanap ng trabaho.