Nanganganib na matanggal bilang miyembro ng UNHRC o United Nations Human Rights Council ang Pilipinas.
Ayon sa HRW o Human Rights Watch na nakabase sa Geneva Switzerland, bigo ang Pilipinas na matugunan ang mga obligasyon nito bilang miyembro ng konsehong tumitingin sa sitwasyon ng karapatang pantao sa mga miyembro bansa.
Pinuna ni HRW Geneva Advocacy Director John Fisher ang kabiguan ng Pilipinas na ilagay sa pinakamataas na antas ang karapatang pantao ng mga Pilipino.
Katunayan dito ang libu-libong kamatayan na dahil sa drug war ng administrasyon subalit wala namang nananagot.
Idinagdag ni Fisher na karamihan sa mga miyembrong bansa ng UNHRC ay nanawagang mahinto na ang patayan sa Pilipinas at nagbigay ng rekomendasyon kung paano ito isasagawa.
Sa kasamaang palad aniya, mahigit kalahati anya ng mahigit sa 200 rekomendasyon ng UNHRC ay ibinasura ng Pilipinas.
—-