Surpresang ininspekyon ng pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Quezon City Police District (QCPD) ang Quezon City Jail.
Layunin ng kanilang ikinasang Oplan Greyhound ang maharang at makumpiska ang mga nakapasok na kontrabando sa Quezon City Jail.
Ayon kay Quezon City Jail Warden Superintendent Emerlito Moral, nakatanggap siya ng impormasyong may apat (4) na mga inmate ang nagpapasok ng mga kontrabando sa kulungan.
Partikular na sinuyod ng mga otoridad ang dalawang dormitoryo ng mga miyembro ng Sputnik Gang at maging ng Batang City Jail.