Hindi apektado si Pangulong Rodrigo Duterte ng pinakahuling survey na ng Social Weather Station o SWS kung saan lumagpak ng 18 porsyento ang kanyang satisfaction rating.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, itinuturing nilang gabay ang pinakahuling survey at mula dito ay malalaman kung ano ang dapat nilang gawin.
Bukas din anya sila sa constructive criticism at itinuturing nila itong paalala sa kung ano ang mga dapat pang pagtuunan ng pansin.
Ipinaliwanag ng kalihim na talagang lalabas sa survey ang hinaing ng publiko sa gobyerno.
Sa kabila nito, inihayag ni Andanar na “very good” pa rin naman ang public trust rating ni Pangulong Duterte.