Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong pagbuo ng bangko para sa mga OFW o Overseas Filipino Worker sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kautusan na gawing OFW Bank ang kasalukuyang PPSB o Philippine Postal Savings Bank.
Ito ay matapos niyang lagdaan nuong nakaraang buwan ang Executive No.44 kung saan kukunin ng Land Bank of the Philippines ang PPSB at gagawing OFW Bank na maghahatid ng “microfinance and micro-insurance products and services” sa mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya.
Pamamahalaan naman ang OFW Bank ng siyam na miyembro ng board of directors.
At batay sa naturang E.O ang Pangulo mismo ang hihirang mula sa DOLE at OWWA, at sa kinatawan mula sa sektor ng OFW.