Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfishes mula sa Balita Bay sa Davao Oriental, Irong Irong Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar gayundin sa karagatan ng Dauis sa Bohol at Milagros sa Masbate.
Ayon sa BFAR, lahat ng klase ng shellfishes na mahahango sa mga nabanggit na karagatan kabilang na ang alamang ay hindi ligtas kainin dahil positibo pa ang mga ito sa paralytic shellfish poison o kilala rin sa tawag na red tide.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at crabs basta’t lilinisin itong maigi, tatanggalan ng lamang loob ang isda at lulutuing mabuti.
By Len Aguirre