Tinawag na non – sense ng Malacañang ang suhestyon na gawing special prosecutor si Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment trial laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, labag sa konstitusyon kung tatanggap ng ibang trabaho ang Pangulo ng bansa.
Naniniwala si Panelo na gusto lamang i-complement ni Atty. Larry Gadon ang Pangulo na dating prosecutor bago pumasok sa pulitika.
Matatandaan na sinabi ni Gadon na hihilingin niya sa Kongreso na bigyan ng otorisasyon ang Pangulo para maging special prosecutor sa impeachment laban kay Sereno.
Si Gadon ang naghain ng imepachment laban kay Sereno.