Tuluyan nang tinanggal sa puwesto si ERC o Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar.
Sa naging desisyon ng Malacañang, napatunayang guilty si Salazar sa simple at grave misconduct.
Partikular na tinukoy na nagkasala si Salazar sa pag-apruba ng kontrata ng pitong kooperatiba nang hindi dumadaan sa pagsusuri ng ibang commissioner ng ERC.
Napatunayan din na nagkasama si Salazar sa maanomalyang proyekto na una nang tinukoy ng nagpakamatay na si ERC Director Francisco Jun Villa Jr.
Sinabi naman ng Malacañang na ang naturang desisyon ay pagpapakita lamang na determinado ang panahalaan na lansagin ang mga tiwali sa gobyerno.
Ikinagalak naman ng pamilya Villa ang naging desisyon ng Malacañang.
Ayon kay Charie Villa, kapatid ni Jun, matatahimik na ang kanyang kapatid sa pagkakasibak kay Salazar.
Samantala, handa si ERC Chairman Jose Vicente Salazar na gamitin ang anumang opsyong ligal hinggil pagsibak sa kanya ng Malacañang.
Ayon kay Salazar, gagawin niya ang lahat upang malinis ang kanyang pangalan at makakuha ng hustisya.
Samantala, siniguro naman ni ERC Spokesperson Atty. Rexie Digal na walang epekto sa kanilang trabaho ang pagkasibak kay Salazar.
—-