Nasawi ang isang sub-leader ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Tawi-Tawi.
Kinilala ang sub-leader ng Abu Sayyaf na si Guro Idzri alyas Idris.
Ayon kay Brigadier General Custodio Parcon Jr., ng Joint Task Force Tawi-Tawi magsisilbi ng warrant of arrest ang pulisya kasama ang Philippine Marines laban sa kaniya sa pinagtataguan nito sa Barangay Pasiagan sa bayan ng Bongao nang makipagpalitan ng putok si Idris na kaniyang ikinasawi.
Nagawa pang maitakbo sa pagamutan si Idris ngunit idineklara din siyang dead on arrival.
Dati siyang miyembro ng grupo nina Muamar Askali alyas Abu Rami na nasawi naman sa operasyon ng militar sa Bohol noong Abril.
—-