Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador Leila de Lima na makalaya at ibalewala ang kinakaharap na kasong may kinalaman sa illegal drug trade.
Sa paunang impormasyon ng DWIZ, napag-alamang 9 na mahistrado ng Korte Suprema ang kumatig na ibasura ang petisyon ni De Lima samantalang 6 ang pabor na siya ay palayain.
Sa kanyang inihaing petisyon, binigyang diin ni De Lima na ang pagdawit sa kanya sa illegal drug trade ay bahagi lamang ng pag-usig sa kanya ng Duterte administration dahil sa kanyang mga kritisismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinuwestyon rin ni De Lima sa Korte Suprema ang hurisdiksyon ng Muntinlupa City Regional Trial Court kung saan isinampa ng Department of Justice ang kanyang kaso sa halip na sa Ombudsman.
(Ulat ni Bert Mozo)