Nakahanda ang Department of Justice o DOJ na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) si Ralph Trangia, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng freshman University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III dahil sa hazing.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bagama’t itinuturing na isa sa mga suspek si Trangia ay posible pa din itong maging testigo.
Gayunman sinabi ni Aguirre na magiging depende ang pagiging witness ni Trangia sa mga isisiwalat nitong impormasyon sa mga imbestigador.
Si Trangia ay dumating sa bansa kaninang 11:41 kasama ang kanyang ina matapos na magtungo ng Estados Unidos isang araw bago maipasama sa look out bulletin ng Bureau of Immigration o BI.