Apat na mga komunistang rebelde ang sumuko sa mga otoridad sa Sulatan Kudarat.
Kinilala ang mga nasabing rebelde na sina Beboy Flang Mek, Arjohn Dang Blagan, Osing Samandal Kuyan, and Robert Panday Balabagan na sumuko sa 57th at 33rd Infantry Battalions ng Philippine Army noong Oktubre 6.
Ang apat na nasabing rebelde ay pawang mga miyembro ng Myphone Platoon ng Guerilla Front 73 o GF73 na nag-o-operate sa Eastern Mindanao.
Kasamang isinuko ng mga nasabing mga rebelde ang dalawang M16 rifles at isang AK-47 rifle.
Batay sa tala ng otoridad, umaabot na sa apatnapu’t limang (45) mga miyembro na ng GF73 ang sumusuko ngayong taon.