Pumapalo sa 27 bilyong piso ang ipinasok na kita ng sektor ng turismo sa bansa sa buwan ng Hunyo.
Ito ayon sa Palasyo ay mas mataas ng halos dalawang bilyong piso sa kinita ng turismo sa parehong buwan noong isang taon.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tumaas din ang kita ng gobyerno mula sa turismo sa unang anim na buwan ng taong ito na pumapalo sa halos 147 bilyong piso kumpara sa halos 28 bilyong piso na kita noong Enero hanggang Hunyo ng taong 2016.
Matatandaang sinabi ng Department of Tourism o DOT na tumaas ng halos 221 bilyong piso ang kita mula sa turismo sa unang taon pa lamang ng Duterte administration.
Ang nasabing halaga ayon sa DOT ay naitala mula July 2016 hanggang May 2017 at halos 110% na mas mataas kumpara sa unang labing isang (11) buwan ng nakalipas na Aquino administration.
Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na ilan sa nagpakinang ng turismo ng bansa ang idinaos na Miss Universe pageant, Third Madrid Fusion Manila, ASEAN Conference at United Nationals World Tourism Organization 6th International Conference on Statistics.