Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at limang iba pang customs officials.
Ayon sa draft committee report ng Blue Ribbon Committee nagkaruon ng gross negligence sina Faeldon matapos mabigong mapigilan ang pagpasok sa bansa ng 6. 4 Billion Pesos na shabu shipment mula sa China.
Bukod kay Faeldon pinakakasuhan din ng kriminal sina dating Deputy Commissioner Gerardo Gambala, dating Intelligence Service Chief Neil Estrella, Intelligence Officer Joel Pinawin at dating Import Assessment Services Director Milo Maestrecampo.
Ang mga nasabing customs officials ay nahaharap sa kasong paglabag sa customs modernization and tariff act at anti graft and corrupt practices act.
Ayon sa report bagamat maganda ang ginawang imposisyon ni Faeldon ng military structure sa BOC wala pa rin itong sapat na kakayahan.
Samantala nakita ng Blue Ribbon Committee ang may ari ng ni raid na warehouse sa Valenzuela na si Richard Tan ang pangunahing responsable sa nasabing shabu smuggling.
inirekomenda ng komite ang pagpa file ng kasong kriminal laban kay Tan gayundin kina Chinese Businessmen Manny Li at Kenneth Dong dahil din sa nasabing importasyon ng shabu.