Tinatayang 1,000 miyembro ng Islamic State ang sumuko sa Kurdish authorities ilang araw matapos mabawi ng Iraqi Forces ang mga lugar na kinubkob ng ISIS sa Northern Iraq.
Sa halip na tumakas o makipaglaban, nagpasya ang mga ISIS member na sumuko lalo’t wala na rin silang mapupuntahan at tila hindi na rin naniniwala sa ipinaglalaban ng kanilang mga leader.
Mas pinili ng mga terorista na magtungo sa Kurdistan Region upang maiwasan ang summary executions sa kamay ng mga Sunni Arab Tribesmen at Shi’ite Muslim Paramilitaries na gigil ng makaganti sa ISIS.
Oktubre 5 nang mabawi ng Iraqi Forces ang bayan ng Hawija at mga karatig lugar sa kamay ng ISIS.
Sa ngayon ay ang maliit na bahagi na lamang ng Western Iraq sa boundary ng Syria ang hawak ng Islamic State.
—-