Ipinasasapinal na ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang ilalatag na seguridad ng Manila Police district o MPD para sa gaganaping ASEAN Summit sa Nobyembre.
Ayon kay Estrada, mahalaga ang gaganaping ASEAN Meeting na isa aniya sa pinakamalaking pagtitipon ng mga world leaders na iho-host ng Pilipinas at ng lungsod ng Maynila.
Kabilang sa ginagawang paghahanda ng MPD ay ang pagsasanay sa kanilang mga miyembro na itatalaga para tumiyak sa seguridad ng mga darating na world leaders at delegates sa bansa.
Sinabi naman ni MPD Director Chief/Supt. Joel Coronel, nasa 2,500 mga pulis maynila ang kanilang itatalaga sa task group manila sheild na mangangalaga sa seguridad ng ASEAN Summit.
(Ulat ni Aya Yupangco)