Ipinagmalaki ng Philippine National Police o PNP ang higit sa 1,000 mga high value target sa iligal na droga na kanilang naaresto sa nakalipas na higit isang taon nang giyera kontra droga.
Ito ay sa harap ng mga puna na panay mahihirap at malilit na indibidwal lamang ang target ng pulisya sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Camillo Cascolan, batay sa kanilang datos, aabot na sa isang libo at apatnaraan (1,400) na ang kanilang nahuli mula sa walong libong (8,000) high value target sa buong bansa.
Samantala, nasa isang daan at apatnapu’t lima (145) naman ang nasawi matapos manlaban sa mga police operations habang mahigit isang daan (100) naman ang napatay ng mga hindi pa kilalang salarin.
Halos tatlong libo’t limang daang (3,500) mga high value target naman ang kasalukuyang minamanmanan ng mga otoridad at tatlong libong (3,000) iba pa ang posibleng patay na din, nagparehab o nasa labas ng bansa.