Tuloy ang impeachment kay Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos baligtarin sa plenaryo ang naunang pag – dismiss ng committee level sa impeachment complaint laban sa COMELEC Chief.
Sinabi sa DWIZ ni House Deputy Speaker Fred Castro na 137 Congressmen ang bumoto para ibasura ang committee report at iakyat sa senado ang impeachment trial kay Bautista.
Pitumpu’t limang (75) Kongresista naman aniya ang bumoto pabor sa mosyon ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na i-adopt ang report ng House Justice Committee na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Bautista.
Dahil dito, ipinabatid ni Castro na boboto na sila kung sinu-sinong mga Kongresista ang tatayong prosecutors sa impeachment trial ni Bautista sa senado.
‘Yung impeachment complaint laban kay Chairman Bautista, na na-dismiss sa committee level ay matutuloy ngayon.
‘Yan ay madadala sa senado for trial sapagkat ‘yung boto na dini-dismiss ang impeachment complaint sa committee level ay na-over-ride sa plenaryo.
Sa botong 137-75-2 in-impeach ng House of Representatives si COMELEC Chair Andy Bautista. |via @JILLRESONTOC
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2017