Handa umanong tumugon ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andy Bautista sa isinasaad ng konstitusyon at sa proseso ng impeachment.
Ito ay matapos na baligtarin sa plenaryo ang naunang pag – dismiss ng committee level sa impeachment complaint laban sa COMELEC Chief.
Sa isang post ni Bautista sa kanyang Twitter account, inilarawan nito ang naging desisyon ng House of Representatives bilang ‘unfortunate’ at unnecessary’.
Aniya, kinikilala niya ang naging desisyon ng mga miyembro ng Kamara kahit pa nagpasa na siya ng kanyang resignation sa Pangulong Rodrigo Duterte na epektibo sana sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.
137 Congressmen ang bumoto para ibasura ang committee report at iakyat sa senado ang impeachment trial kay Bautista.
Pitumpu’t limang (75) Kongresista naman aniya ang bumoto pabor sa mosyon ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na i-adopt ang report ng House Justice Committee na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Bautista.
— Andy Bautista (@ChairAndyBau) October 11, 2017