Maghahain ng bagong mosyon sa Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Arroyo upang araw-araw na makadalaw sa burol ng namayapang kapatid.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, pinayagan lamang ng Sandiganbayan si Ginang Arroyo na makadalaw sa Heritage Park mula araw ng Martes, Miyerkules at Biyernes.
Nais aniya ng dating Pangulo na isama na rin ang araw ng Huwebes at payagan syang makadalo sa libing ng kapatid sa araw ng Sabado.
Ang nakatatandang kapatid ni Ginang Arroyo na si Arturo Macapagal ay sumakabilang buhay dahil sa sakit na prostate cancer.
“At ‘yan naman ay precedent na sapagkat noong namatay naman ang apo ni dating Pangulong Gloria Arroyo siya naman ay pinayagang gabi-gabi na maka-attend ng wake ng apo, at ngayon naman ang kanyang nakatatandang kapatid ay masasabi naman nating equally important.” Pahayag ni Gabon.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit