Makakaapekto sa 900 Million Peso budget ng PNP para sa Double Barrel program para sa susunod na buwan ang memorandum ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagtatalaga sa PDEA bilang lead agency sa anti illegal drugs campaign.
Ayon ito kay Senate Finance Committee Chair Loren Legarda na nagsabing posibleng mabawasan pa ang nasabing pondo ng PNP.
Sinabi naman ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na sa ngayon ay hindi nila kailangan ang pondo para sa Double Barrel dahil ibinigay na sa PDEA ang pagpapatupad ng war on drugs.
Magiging problema lamang aniya ay kapag biglang ibalik sa PNP ang operasyon kontra iligal na droga.
Inihayag ni Bato na ipauubaya na lamang nila sa Senado ang pagpapasya kung tatanggalin o babawasan ang nasabing pondo.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno