Dalawa pang sundalo ang nadagdag sa mga nasawi sa patuloy na labanan sa Marawi City.
Kinilala ni Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Task Force Ranao ang isa sa mga nasawi na si Lt. Harold Mark Juan.
Nasawi aniya si Juan matapos na tamaan ng sniper ng Maute-ISIS.
Malungkot aniya ang nangyari kay Juan dahil nakatakda na sana itong ikasal.
Una namang napaulat na sugatan sa labanan ang isa pang sundalo subalit binawian rin ito ng buhay sa ospital.
Dahil dito, sinabi ni Brawner na umaabot na ngayon sa isandaan at animnapu (160) ang bilang ng mga nasawing sundalo at pulis sa Marawi City.
Samantala, maririnig sa background ni Brawner habang kinakapanayam ng DWIZ pasado alas-6:00 ng umaga ang mga pagsabog.
PAKINGGAN: Bahagi ng panayam kay Col. Romeo Brawner
(Ratsada Balita Interview)