Hinamon ni Senate President Koko Pimentel ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na magsagawa ng all-out war laban sa mga big time supplier at manufacturer ng iligal na droga.
Ito ay matapos na iuutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang PDEA na ang tanging ahensya na hahawak sa mga operasyon na mag kaugnayan sa giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Giit ni Pimentel, dapat lamang tutukan at habulin ng PDEA ang mga big time drug trafficker at matiyak na maaaresto, maipakukulong at mapananagot ang mga ito.
Sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, dapat ay sabay-sabay na habulin ng PDEA ang big time drug lords at maging street drug pushers.
Magugunitang, sa ilalim ng ‘war on drugs’ ay marami ang napatay ng mga pulis na itinuturing na isa sa mga rason ng pagbaba ng trust at satisfaction rating ng Pangulo.