Bumagsak ang information technology system ng LTO Land Transportation Office dahil sa ilang aberya na naka apekto sa mga transaksyon sa ilang lugar.
Sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na iniimbestigahan pa nila ang insidente kasabay ang paglilinaw na hindi naman apektado rito ang buong bansa.
Subalit tiniyak ni Galvante na tuluy tuloy naman ang processing para sa pag isyu ng five year license sa buong bansa.