Tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS para sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Sa resulta ng SWS poll 62 porsyento ang kuntento at 21 porsyento naman ang hindi kuntento sa performance ni Robredo.
Samantala, nakakuha rin ng mataas na satisfaction rating si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na nakakuha ng positive 46 mula sa positive 33 na nakuha nito nuong nakaraang quarter.
Bumaba naman ang rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nakakuha ng positive 8 si Alvarez na mula sa positive 16 samantalang si Sereno naman ay nakakuha ng positve 9 na dati ay positive 21.
Photo Credit: OVP
—-