Nakahanda ang Senado na pumasok sa trabaho hanggang Sabado para sa impeachment trial ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kailangan nilang hanapan ng oras ang pagsasagawa ng impeachment dahil bahagi ito ng trabaho ng Senado kung saan uupong hukom ang mga Senador.
Ani Pimentel, gagawin nila ang paglilitis kay Bautista tuwing araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado.
Dahil dito, nangangamba naman si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na posibleng maantala ang kanilang pagpasa ng ilang mahahalagang panukala tulad ng 2018 National Budget at Tax Reform Bill.
Giit ni Drilion, maaaring kapusin sila sa oras lalo na’t nakatakda silang mag-break ng isang buwan simula ngayong linggo.
Ngunit ayon naman kay Pimentel kanilang ititigil ang impeachment trial laban kay Bautista kung totoong magbibitiw ito sa pwesto sa katapusan ng taon.
—-