Inatasan ng Kamara ang Department of Trade and Industry o DTI na bumalangkas ng IRR o Implementing Rules and Regulations para sa panukalang gift check non-expiry act.
Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman at Leyte Rep. Henry Ong, ito ay dahil sa inaasahang maisasabatas ang naturang proposed bill sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa Nobyembre 13.
Hinikayat din nito ang DTI na pagbawalan na ang mga tindahan na mag isyu ng gift certificate na may expiration lalo’t target na maging epektibo ang batas ngayong kapaskuhan.
Tinukoy sa naturang panukalang batas na good as cash ang mga gift certificate kaya hindi dapat lagyan ng expiration.
—-