Isang pagyanig ang naitala malapit sa nuclear test site ng North korea.
Ayon sa US Geological Survey, niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang Ryanggang Province.
Natunton ang sentro ng pagyanig 23 kilometro, hilagang silangan ng lungsod ng Sungjibaegam.
Gayunman, hindi matiyak ng USGS kung ang pagyanig ay sanhi ng nuclear test o sadyang lumindol sa naturang lugar.
Samantala, hindi namataan sa mga public event ang head ng nuclear weapons development ng NoKor nitong mga nakalipas na araw dahilan upang lalong maghinala ang Amerika na maaaring ang pagyanig kanina ay resulta ng panibagong nuclear test.
—-