Nangako si Ginang Editha Burgos, ina ng aktibistang si Jonas Burgos na hindi siya susuko sa pagkamit ng hustisya kaugnay sa kaso ng pagkawala ng anak.
Ito ay kasunod ng pag-abswelto ng Quezon City Regional Trial Court kay Army Major Harry Baliaga Jr. sa kasong arbitrary detention matapos mabigo ang prosekusyon na makapag presinta ng circumstantial evidence.
Ayon kay Ginang Burgos, bagamat nirerespeto nila ang desisyon ng korte ay hindi naman aniya sila sang-ayon dito.
Maliban dito, kanila aniyang pananagutin ang iba pang responsable sa pagkawala ni Jonas kung saan kasama sa iba pang idinadawit si outgoing AFP Chief Staff General Eduardo Año.
Matatandaang napaulat na nawala si Jonas noong April 28, 2007 matapos umano itong dukutin ng mga military intelligence agent sa isang mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
—-