Nakahandang maki-usap si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kanila ang paghawak sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ito’y ayon kay Dela Rosa, oras na lumala ang sitwasyon ng iligal na droga sa bansa at makita niyang hindi na kinaya ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ani Dela Rosa, idadahilan niya sa Pangulo ang kanyang pangamba sa kaligtasan ng kanilang pamilya dahil maaaring bumalik na ang mga pusher sa lansangan lalo’t matagal na din aniyang walang kita ang mga ito.
Nababahala din si Dela Rosa na masayang lamang ang kanilang mg nagawa noon lalo’t nananalo na aniya ang PNP sa ‘war on drugs’.