Asahan na ang dalawa pang magkasunod na shipments ng mga armas mula China.
Ito ay inanunsyo mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan at kapasidad ng law enforcement units ng Pilipinas.
Donasyon umano ng China ang mga armas na ipadadala sa Pilipinas bilang tulong sa pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang pambansang pulisya at militar.
Gayunman, hindi binanggit ng Pangulo kung kailan darating sa bansa ang mga naturang armas.
Una nang sinabi ng Pangulo na ngayong buwan darating ang mga armas na magmumula naman sa bansang Russia.
Paggamit ng ‘sniper rifle’ dapat nang pag-aralan ng militar
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan nang sanayin ang mga tropa ng gobyerno sa umanoy ‘modern fighting’ o modernong paraan ng pakikipag-digma.
Sa kanyang talumpati sa ground breaking ceremony ng Scout Ranger Ville sa San Miguel, Bulacan, sinabi nito na dapat pag-aralan ng mga kasunduluhan ang ‘sniping’, na isa na umanong bahagi ng makabagong panahon ng labanan.
Ayon sa Pangulo, dapat matuto ang mga sundalo sa tamang paggamit ng ‘sniper rifle’ para mapakinabangan ang 100 sniper rifles na ibinigay ng China noong nakaraang Hunyo.
Dagdag pa nito, humingi pa siya ng karagdagang armas pang-snipe sa China bilang paglaban sa mga terorista.