Nasa tamang direksyon ang tinatahak ng PDP Laban.
Ito ayon kay Energy Secretary at PDP Laban Vice Chairman Alfonso Cusi ang pinatunayan ng survey result.
Kasunod na rin ito ng nananatiling big majority approval at trust ratings ng Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa Pulse Asia Survey.
Binigyang diin ni Cusi na malinaw sa mga survey ang suporta ng taumbayan sa mga pagbabago at repormang isinusulong ng PDP Laban kayat dapat anila nilang tuparin ang kanilang mga pangako.