Patay ang tatlong skydivers sa Australia matapos magkabanggaan sa ere.
Ayon sa mga otoridad sa Queensland dalawang lalaki na nasa edad 30 at isang 50 anyos na babae ang natagpuang patay sa kilalang skydiving spot na Mission Beach.
Lumalabas sa imbestigasyon na binangga ng isang tao ang dalawang parachuter na hindi kaagad nakapagbukas ng kanilang parachute.
Dahil sa nasabing insidente pansamantalang ipinatigil ng kumpanyang skydive Australia ang kanilang operasyon habang isinasagawa ang imbestigasyon dito.