Tumindi ang bakbakan sa Marawi City kahapon matapos ilunsad ng militar ang final assault para masukol ang Abu Sayyaf leader at Emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay Joint task Force Ranao Commander Col. Romeo Brawner, nais ng militar na mahuli ng buhay o patay si Hapilon.
Sinabi ni Brawner na kanila nang kinurdonan ang natitirang bahagi na hawak ng mga teroristang Maute upang pigilan ang ibang taga suporta ng Maute na makapasok sa lungsod sa pamamagitan ng Lake Lanao.
Sa kabila nito, wala pa ring katiyakan sa militar kung kailan tuluyang mababawi ang kabuuan ng Marawi mula sa kamay ng mga terorista.