Dalawang opisyal na naman ng gobyerno ang sinbibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pangulo ito ay dahil sa hindi aniya pag-aksyon na nagresulta sa pagkaka-antala ng bridge project sa San Juan City.
Bagamat nagpaliwanag sa kanya ang naturang mga opisyal, iginiit ng Pangulo na hindi katanggap-tanggap ang mga depensa ng naturang mga opisyal lalo’t inabot na ng taon ang proyekto.
Gayunman, hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga sinibak nitang opisyal ng pamahalaan.
—-