Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang Comprehensive Mental Health Act.
Layon ng nasabing panukala ayon kay House Committee on Health Chair Angelita Tan na mabigyang kahalagahan ang mental health ng mga mamamayan.
Sinabi ni Tan na sa pamamagitan ng nasabing panukala na kapag naging batas na, makapagbibigay ang gobyerno ng tulong sa mga nakakaranas ng mental ailments hindi lamang sa mga specialized institutions kundi pati na rin sa malalaking state owned na mga ospital sa lalawigan.
Binigyang diin naman ni Congresswoman Chiqui Roa Puno, isa sa mga may-akda ng panukala na layon din nitong i-promote ang mental wellness at pigilan ang mga problemang may kinalaman sa mental health.
Sa ilalim ng panukalang batas, aatasan ang Department of Health na bumuo ng isang national mental health care program sa tulong ng mga taong may mental health problems, kanilang mga kaanak at kinabibilangang organisasyon pati na ang mga mental health professionals.
—-